Ang buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang maging isang magandang musika ang buhay natin. Ito ay tungkol sa limang lalaking nangangarap na makamit ang kasiyahan pagdating sa larangan ng musika. Ito ay tungkol sa limang lalaking umaasa na malagpasan ang delubyo sa buhay dahil patuloy silang sinusubok ng tadhana. Sila ang mga lalaking naniniwala. Naniniwalang kaya nilang abutin ang pinaka makinang na bituin. Sila ang Sirius. Started: May 20, 2020 Ended: