Dream come true na mapuntahan niya ang pinapangarap niyang bansa. Naniniwala rin siya sa love at first sight. Ewan niya ba pero iba ang dating para sa kanya nang isang lalaking tinawag pa siyang "idiot" nito. Dasal niya na sana kung pahihintulutan nang tadhana ay magtagpo ulit sila. This time, hindi na niya pakakawalan ito. . . . Workaholic siya at dedicated pagdating sa trabaho niya. Wala siyang panahon para sa ibang bagay included na doon ang lovelife. Minsan na siyang nagmahal, at sa susunod na magmamahal man siya ay sisiguraduhin niya nang handa na siyang sumuong muli.