Minahal ko ang taong dapat kaibigan lang. Kahit anong paalala ko sa sarili na hindi dapat ako mahulog sa kaniya hindi ko mapigilan paano ba ako aahon sa aking nararamdaman. kung sa bawat kailangn ko ng masasandalan parati siyang nariyan. Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan lalo pa't may inaantay siyang bumalik mula sa nakaraan ano ba naman ang laban ko sa taong mahal niya at patuloy na minamahal pa. Ako ay isang kaibigan lang para sa kaniya naitatak ko na yun sa isipan ko, sadyang di ko lang maiwasang hilingin na sana ako na lang dahil ako hindi ko siya iiwan sa kahit ano pang dahilan. Dahil sa tuwing ako ang nangangailan parati siyang nandiyan, pero hanggang kelan? "Sana ako na lang"- Remelyn "remedios" Mendoza De Leon.