Hanggang saan ang kayang malimutan ng isipan, kung ang puso ay nagbibigay puwang sa nakaraan? Hanggang saan ang kayang alalahanin ng puso? Magagawa nga bang punan ang piraso ng nawalang nakaraan kung puso ang pagbibigyan? Paano masisigurong tama ang idinidikta ng puso? Paano kung mali pala ito? Paano kung ang idinidikta ng puso sa kasalukuyan ay iba sa idinidikta ng nakaraan? Paninindigan bang ang susi sa kasalukuyan ay ang piraso ng nagdaan, o sundin ang idinidikta ng puso at tuluyang limutin ang nakaraan?