Earthquake, typhoon, grass fire, volcanic eruption. Ilan lang ito sa mga natural disaster pero ang isang pandemic matagal bago matapos, galing kaya sa nakaraan ang makakaresolba nito? Anong nangyayari sa mundo? bakit ang daming namamatay? may gera ba, bakit di makita ang kalaban? punuan ang mga ospital, nagkakagulo ang publiko, madaming nagagalit sa social media, wala halos nalabas ng bahay. Marahil ay natatakot sila pero saan sila natatakot? wala naman akong makita na dapat nila katakutan ano bang meron? Pero teka lang... hindi ako taga dito... nasaan ako?!