Michonne Adrienne Whittaker is the most famous detective in her era because of her incomparable beauty and exceptional intelligence. Walang siyang kasong hinawakan na hindi niya naresolba, and that made her the most credible detective there is. But a few days pagkatapos siyang parangalan, another case was given to her: a murder case. And this time it was different. Walang kahit na ano mang bakas ang iniwan ng pumatay except for the fact na gunshot ang ikinamatay ng biktima. Now in order to resolve the case, she needs to work with the deadliest assassin there is. Pero habang lumilipas ang araw ang kasong dapat nilang iresolba ay hindi ang kasong pagpatay na inaakala nila, kundi ang kaso ng katotohanang pilit na ibinabaon sa nakaraan. Magkaroon kaya ng kasagutan ang mga tanong na matagal nang namumutawi sa kanilang isipan? O mananatiling isang lihim ang katotohanang nararapat lamang nilang malaman?