To get married and settle down, yan ang dahilan kung bakit ipinasa ni Marcus King Zendejas ang resignation nya nang hindi nagdadalawang isip kahit na isa ito sa mga pinakamagaling na reporter sa loob at labas ng bansa. Isang kondisyon ang hinihingi ng kanyang kumpanya, at iyon ay alamin ang kalakaran ng extra service sa isang pinakasikat na Lingerie Brand na pagmamay-ari ng isa sa matalik nyang kaibigan. Ngunit isang lihim ang kanyang natuklasan, lihim na nangyari dalawang taon na ang nakalilipas na hanggang ngayon ay bumabagabag sa kanya.