Ako si Elisha Marie Rodriguez simula bata natuto na akong lumaban,lahat sakin ay posible,lahat ng gusto ko nagagawa at nakukuha ko,hindi ako mabait at hindi din ako masama pero nag-iba ang ikot ng aking mundo. May dumating na isang tao na hindi natin inaasahan,siya ba ang dahil kung bakit nag-iba? Dito sa ating mundo walang permante,lahat nagbabago,nag-iiba ang ihip ng hangin! Ang aking hinihiling sana hindi ako magbago. Minsan gusto din natin ibalik ang nakaraan hindi dahil gusto natin muli ito maranasan kundi itama ang ating pagkakamali. May mga bagay na pwede pang maulit at maranasan pa Gusto kong maging maganda ang daloy ng aking mundo peroimposible ito.Kailangan ba natin maging mabuti para magawa ito? Kailangan ba nating maging matapang,matatatag para lang dito? May mawawala may darating;<