Talagang mapaglaro si destiny~ also known as tadhana. Matapos ang mga nangyari sa resto-bar akala ko hindi na muling magtatagpo ang aming landas. Isang maling akala. Lirienne Celeste Wynsige, ang bagong propesora dito sa CCU. Dahil sa kanyang kabigha-bighaning kagandahan na mistula'y isang modelo at artista. Samantalang ako ay parang kabuteng umusbong lang sa tabi-tabi. Ang tahimik kong buhay ay mukhang matatapos dahil sa isang paboritong anak ng langit.