Minsan dumadating tayo sa punto na wala nang makakapagpasaya sa'tin. Iyong nawawalan tayo ng interes sa mundo. Iyon ang biglang dumapo kay Jizelle na hindi niya alam kung paano tatanggalin. Pero nang makatapak siya ulit sa loob ng isang football stadium, biglang kumabog ang dibdib niya. Na mabilis na napalitan ng sakit nang makita kung sino ang kasama sa starting line up ng Stray Wolves-ang national team ng Pilipinas-. Walang iba kung hindi si Daisuke. Nang maghiwalay sila ng landas noon, nangako siya sa sarili na hindi na ulit ito papapasukin sa buhay niya. Pero isang araw, sinabi nito, na gusto nitong bumalik sa dating samahan nila. Ilang beses niya itong pinagtulakan, at pilit siyang umiiwas pero hindi siya sinukuan ni Daisuke suyuin. Teka lang, lumalambot na ba ulit ang puso niya? Handa na nga ba siya ulit sa mga ipaparamdam ni Daisuke sa kanya? O ipagpipilitan niyang dumistansya para safe ang puso niya?