Tumakas si Lucas Matthew sa puder ng kanyang ama sa edad na sampu, matapos nitong patayin ang kanyang ina sa mismong harapan nito na nagdulot sa kanya ng matinding trauma. Simula noong araw na namatay ang kanyang ina ay hindi na sya nakapag salita na tila ba naging pipe. Ang kanyang nakaraan ay labis na nagdulot sa kanya ng takot. Makakatulong nga ba ang pag aaral niya sa Manila? May makikilala kaya siyang mga bagong tao upang makatulong sa kaniya? Halina't saksihan ang masalimuot na buhay ni Matthew at kung paano ito mababago ng isang babaeng maloko at tarantado.