Tatlong buwan na lamang at matatapos na ni Katrina ang kolehiyo kaya pumayag syang sumama sa mga kaibigan nya sa party. Isa pa naroon ang crush nya. Ngunit isang baso pala lamang nang alak ang kanyang naiinom ay ramdam na nya ang matinding pagkahilo. Sa kabila nito na kayanan parin nya na maglakad patungong banyo ngunit imbes na banyo ang mapuntahan nya ay sa parking lot sya napunta. Nakita nya roon ang isang napakagwapo na nilalang. Naakit sya sa angking kagwapohan nito kaya naman walang pagaalinlangan nya itong nilapitan at hinalikan na nauwi sa isang mainit na pagtatalik. Nang magising sya ay puno nang pagsisi ang kanyang naramdaman kaya naman dali dali syang umalis kahit na hindi manlang nalalaman ang pangalan nang lalaki at kung saan ito nakatira. Kaya naman hindi nya malaman kung paano hahagilapin ang lalaking ama nang batang kanyang dinadala. Isa't kalahating taon ang lumapas at nagtagpo muli ang landas nila nang lalaki ngunit sa panahong ito nalaman nya na ito ang susunod na boss nya. Handa na sana syang ipagtapat ang pinakatatagong sekreto niya ngunit nalaman nya na may Fiance na ito at nalalapit na ang kasal. Hindi nya alam kung ipagpapatuloy ba nyang ilihim sa lalaki ang kanyang sekretong karapatan naman nitong malaman o ililihim na lamang nya na nag bunga ang kanilang matamis na pagkakamali.Alle Rechte vorbehalten