Paano kung ang isang dating Mr. Playboy na pinapangarap ng mga babae at kabaklaan dahil sa mala-prinsipe nitong anyo at istado sa buhay ay isa nang Mr. Defecto na hindi mo man lamang tatapunan ng pansin dahil sa bago anyo nito at mga kapansanan? . . . . ang dating clean-cut na buhok na laging mabango at bagong shampoo . . . na ngayon ay mahaba at parang kinahig ng manok na puedeng pagpugaran ng kuto at purgas! . . . . ang dating sobrang guapo at makinis na mukha na kahit ang langaw ay mahihiyang dapuan . . .na ngayon ay may makapal na balbas at bigote! . . . . ang dating mapang-akit na mata na matingnan ka lang ay hihimatayin ka na. . . na ngayon ay natatakpan ng malapad na salamin! . . . . ang dating malambing na boses na nagpasikat sa kanya bilang singer. . . na ngayon ay uutal-utal at hirap magsalita! . . . . ang dating mala-prinsipeng tindig at lakad, a truly Prince. . . na ngayon ay iika-ikang maglakad! . . . . ang dating magaling manamit na kinababaliwan ng kababaihan at kabaklaan. . . na ngayon iisnobin mo dahil sa jologs na porma! . . . . ang dating mayaman negosyante, singer, model na si JX Montecilllo . . . na ngayon ay isang mangingisda at namumuhay ng payak sa katauhan ni Angelo! . . . . ang dating head over heels na nainlove sa kanyang Ms. Naive, na si Joelle Mateo . . . na ngayon ay asawa na ng isang obssessed na babae na si Princess! Paano siya mahahanap ng kanyang mala-prinsesang asawa na si Joelle Mateo-Montecillo sa bago niyang katauhan? Makikilala kaya ng isang pusong tunay na nagmamahal ang hindi makilala ng mga mata? Gaano katutoo ang mga kasabihan "What the minds forgets. . . the heart remembers!" at "The true love finds it's way home!" Samahan ulit natin sina JX (Angelo) at Joelle Montecillo as their love story continues. . .
59 parts