Paano pa nga ba maibabalik sa dati ang lahat? Paano pa paghihilumin ang pusong nasaktan? Paano pa mabubura ang pagsisisi dahil sa ginawang pagkakamali? Isang pusong sugatan at puno ng pagsisisi ang narinig ng isang Engkantada na magbibigay ng pagkakataon upang bumalik siya sa nakaraan at paghilumin ang pusong kanyang sinaktan. Tunghayan ang kwento ng kawawang si Alexandra at kung paano siya tutulungan ng isang magandang Engkantada.