Yurika's Love Story. "Whatever happens, do not let anybody dictate your happiness," iyon ang bilin kay Yurika ng namayapa niyang ina. Kaya nang malaman niya ang plano ng lolo niya na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala ay dagling nag-panic ang brain cells niya. Walang pagdadalawang-isip na nag-empake siya at nilayasan ang pamilya niya sa Japan upang bumalik sa Pilipinas. Kuntento na sana siya sa buhay niya kundi lang sa pambubulabog ng kapitbahay niyang nagfi-feeling maging si Tarzan na si Mateo Rosales. Hanggang kelan niya matitiis ang kakulitan, kabulastugan at ang walang pakundangan nitong pagbibilad ng katawan?