Paano kung namatay tayo, mapupunta tayo sa isang lugar na maraming sinehan? Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang sinehan. Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang pelikula na ikinukuwento ang buhay niya. Puwedeng panoorin ng ibang namatay ang pelikula ng ibang namatay na kasama niya. Basta age appropriate dahil may MTRCB pa din sa kabilang buhay at kapag buhay ng namatay na artista ang papanoorin mo, mahaba ang pila. Pero kung isa kang overweight na insecure na babae, kaninong pelikula ang papanoorin mo? Sa best friend mo na kasabay mong namatay, na crush mo pero itinago mo...
6 parts