Prios 5: The Last of the Revenants
36 parts Complete Limampung taon na mula nang mawala ang hinirang ng Ikauna bilang bantay ng kanyang huling testamento. Limampung taon na rin mula nang isilang ang itinakdang sisira sa sumpa ng testamentong iyon.
Sa paglaya ng mga isinumpang nilalang na nakakulong sa Testamento ng Ikauna, manunumbalik ang gulong daang taon nang hindi nararanasan sa hilaga. Nauubos na ang populasyon ng mga purong tao at dumarami na ang mga nabubuhay na halimaw. At ang bukod-tanging nilalang na itinakdang magkulong muli sa mga isinumpang elemento ng Ikauna ay tatlumpung taon nang nawawala.
Simple lang naman ang magiging misyon ni Gehenna: hanapin si Sigmund Vanderberg-ang itinakdang gagawa ng panibagong kulungan para sa mga nilalang na nakawala mula sa naturang testamento. Ngunit magiging hamon sa kanya ang katotohanang ang mga bampirang pumaslang sa mga magulang niya ay mga kadugo nito.
Sa dami ng paghahandang ginawa at pagpaplanong pagharap sa huling dugo ng Ikauna, malalaman niyang isang binatang walang pakialam sa gulo ng mundo ang hinahanap niya.
Mapilit kaya niya si Sigmund na gumawa ng panibagong testamento para sa hilaga kung ang hihilingin nitong kapalit ay mismong kamatayan niya?
************
The Last of the Revenants © 2021 by Elena Buncaras
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the prior written permission of the author, excepting brief quotes and lines used in some description, written specifically for inclusion in this book.
This book is a work of fiction.
Names, characters, some places, and incidents are used fictitiously.
Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.