Hindi Sweetheart Series 1 (Against the Will) written by JellyPm Mula pagkabata ni Honey ay lagi na lang itong nasasangkot sa gulo. Hindi kasi ito nagpapatalo sa kahit anong labanan at sa mga panahong iyon ay laging si Ace Sarmiento, ang payatot nitong bestfriend ang nagtatanggol sa kaniya kasehodang magkandasugat-sugat ito. Kaya bilang ganti ay lagi niya itong pinagbibigyan sa mga hiling nito mayaman naman siya, kaya niyang ibigay lahat-pero nang hilingin nito ang pag-ibig niya, tinanggihan niya sa maraming dahilan. Hanggang sa hindi na sila nag-usap, iniwasan na siya ng binata. Sa pagkukrus ulit ng landas ng dalawa, iba na ang Ace na kilala niya. Naging seryoso at strikto na ito, higit sa lahat binansagan pa itong The Elusive Successful Bachelor of Hindi Baranggay.