May kaniya-kaniyang istorya ang bawat tao. Mayroong masaya, malungkot, o 'di kaya'y nakatatakot. Subalit mas masaklap ang dulot ng kuwento nang pamamaalam at paghihiganti. Ito ang mga kuwentong hindi natin inaasahan kung kailan o saan mangyayari. Lahat din tayo ay may karapatan. Karapatan nating mabuhay at bumuhay. Karapatan nating maging maligaya o maging malungkot. Karapatan nating magmahal at 'di magmahal. Tayo ang bida sa sarili nating istorya. Tayo ang bahala kung saan natin gustong dalhin ng ating mga yapak. Lagi mo lang tatandaan, lahat nang gagawin mo ay magkakaroon ng epekto. Lahat nang isasalaysay mo ay magkakaroon ng argumento. Lahat nang nababasa mo ay maaring likha lang ng kuro-kuro o puwede rin namang totoo. Nasa iyo kung saan ka maniniwala. Ikaw ang responsable sa sarili mong desisyon. Ikaw ang magmamaneho ng sarili mong kuwento. Lahat tayo ay may karanasan sa istorya ng tagumpay, pighati, kasiyahan, kalungkutan, at kamatayan. Kaya lahat tayo ay may kaalaman sa kuwento ng iba't ibang mukha ng buhay. Sabi nga nila, "Masaya ka ngayon baka bukas hindi na." Tandaan, lahat tayo ay nabubuhay sa reyalidad na hindi lahat ng kuwento ay masaya. Layout Artist: Aster Starry
15 parts