Ang libro na ito ay para sa mga nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nawa'y sa pamamagitan nito ay maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sa pamamagitan ng mga tula at kwento ko'y mahaplos nito ang nakaraan mo, ang sakit, ang lungkot, ang lahat ng gusto mong malimot, at tuluyang mahilom ang markang sugat na iniwan nito. At sa susunod nating pagkikita nawa'y magandang istorya naman ang maibahagi natin sa isa't isa.