Isang kwento na di akalaing mangyayari. Isang kwento na magpapabago sa takbo ng mundong ginagalawan. Isang kwentong patuloy na magtatanong "normal ba ang magiging daang tatahakin?". Sa henerasyong ginagalawan natin, lahat ng bagay ang maaari mangyari. Sinasabing nakatadhana na ito at di na kayang baguhin. Isang tadhana na kung saan wala kang pweding gawin kundi ang sabayan at tanggapin. Sa patuloy na pagbabago-bago ng mga teknolohiya't mga kultura, isa lamang ang nagpapabago sa mga ito, ito ang malawak na pag iisip ng bawat nilalang. Nguniy anong mangyayari, kung ang pagbabago na ito ay hindi tanggap ng lipunan at ng iyong sarili, ngunit sinasabing nakatadhana na ito sayo. Tatanggapin mo ba ang tadhanang ito o babaguhin mo sa bawat galaw at ikot ng orasan na iyong maririnig?