May mga taong handang punuin ang mga puwang sa ating buhay, mga taong handa tayong pasayahin kapag tayo ay nalulungkot. Mga taong nandyan para saluhin tayo. Mga taong kayang ibigay saatin lahat-lahat. Pero may mga tao ring gago. Manloloko. Duwag. Torpe. Minsan itong mga ugaling to ang sanho kung bakit ang iba saatin, ay takot magmahal at masaktan. Kaya di bale na lang ang ipawalangbahala ang nararamdaman, kesa masaktan. Pero ganun naman talaga di ba? Pag nagmamahal ka, masasaktan ka.