Fray Gab Capas- amerikanong negosyante sa Paris,France ang pastlife ni Zach Ferrer. Dahil sa kanyang galing sa pag palawak ng kanilang negosyo nagtayo siya ng isang Market sa bayan ng Bicol, Sorsogon. Doon niya natagpuan ang kanyang pag-ibig. Jeysfine Reyes- magandang probinsyana sa bayan ng Magallanes, Sorsogon. Ang pastlife ni Ylonna Nicolas. Sa angkin nitong ganda ay maraming nahuhumaling na mga kalalakihan, ngunit tanging si Gab lamang ang nakabihag ng kanyang puso. She's only 15 that time while Gab was 20. Tutol ang pamilya niya sa pag- iibigan nila ni Gab, dahil ayaw ng kanyang pamilya na maranasan niya ang nangyari sa kanyang tita na niloko lamang ng isang banyaga. Mataas ang pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya. Kinailangang umalis ni Gab upang asikasuhin ang problema sa negosyo sa ibang bansa. Naghintay ng ilang taon si Jeysfine, umaasang babalik si Gab at tutuparin ang pangakong pakakasalan siya nito. Ngunit sa pagbabalik ni Gab ay lubusang hindi matanggap ni Jeysfine nang makita niyang may sarili na itong pamilya. At ng gabing iyon labis-labis ang paghihinagpis niya, iba't-ibang klaseng emosyon ang kanyang naramdaman. Sumakay sya sa bangka at nagsagwan siyang mag-isa, sa kalagitnaan ng tahimik, kalmadong dagat at napakagandang buwan, mga nag kikinangang mga bituin ay humiling siya na sana "Sa susunod niyang buhay ay hindi na sana magtagpo ang kanilang landas, na sana maging masaya sila sa piling ng iba." At doon niya tinapos ang kanyang buhay. Sa kasalukuyan ay nagtagpong muli ang kanilang landas sa katauhan nina Zach na sikat sa isang banda at Ylonna. Mauulit bang muli ang nangyari sa nakaraan? O magkakaroon ng chance na mabago at mapatunayan ang kanilang pagmamahalan, hindi bilang Gab at Jeysfine kundi Zach at Ylonna.