#2 Hindi pa sapat kay Santino ang sampung lagusan ng Kalye Crisostomo. Alam nitong marami pa siyang sikretong makakalap mula sa mga boses na pinilit patahimikin, mga matang may mahigpit na pagkakapiring at mga buhay na pinahirapan, tinapos at inalipin. Sa ikalawa niyang paglalakbay ay tatahakin naman nito ang haciendang nababalot ng trahedyang kinasadlakan ng mga Pilipino mula sa panahon ng kasalukuyan, Kastila, at Amerikano. Ang hacienda na naglalaman ng mga sikretong nanatiling lihim sa mahabang panahon. Ang pagsiwalat niya sa mga isyung panlipunan. Ang mga kaganapan at katotohanan. Muli nating samahan si Santino sa kaniyang paglalakbay sa iba't ibang henerasyon ng Pilipinas. Ang misteryosong hacienda na nababalot ng mga kuwento ng iba't ibang karanasan ng mga Pilipino. Hacienda De Ibarra. Nakakulong ang tahimik, nagpupugay ang namimintas.