Ang gusto lang ni Sarah ay tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema,wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Sarah ang suggestion ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos, kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang-ayon ang tadhana kay Sarah. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng isang estranghero. Sa kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Brent Mondragon----ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo, at bango. At ang loko, pinipilit siyang saluhin ang wedding bouquet at nang makapag-usap na raw sila. Wala siyang pagpipilian dahil hawak ni Brent ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya. ------------------------------------------ COPYRIGHT © 2020 All rights reserved.All Rights Reserved