Kenna Brigette is a girl who depends on her parents. Kaya nang mamatay ang mga ito ay hindi niya na alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay. 20 thousand pesos? Pano siya mabubuhay sa ganyan kaliit na halagang naiwan ng yumaong mga magulang. Sinubukan niyang lumapit sa mga kamag-anak ngunit maging ang mga ito ay hindi niya mahihingan ng tulong. Kaya naman ng may makilala siyang mabuting taong tumulong sa kanya para magkaroon ng trabaho ay sinunggaban niya agad ito. "Maging katulong ka ng isang demonyo" pagkasabi nun ay agad siyang kinilabutan. Demonyo? Demonyong ugali o demonyo talaga? Pero wala na siyang pakealam dahil desperada na siyang magkapera. Kaya nang dumating ang araw ng trabaho niya at ipakilala sa kanya ang among sasambahin niya, hindi niya akalaing isa nga talaga itong demonyo. Masama ang ugali, makasarili, walang pakialam sa pakiramdam ng iba, gustong nasusunod lahat ng gusto at sobrang sakit magsalita. "I don't need an ugly here. LUMAYAS KA DITO!" sigaw nito pagkakita pa lamang sa kanya. Paano siya magtatagal sa trabahong ito kung ganito ang ugali ng amo niyang ubod ng gwapo ngunit napaka-misteryoso.
1 part