Walang naniniwala kay Ahmya kapag sinasabi niya na totoong nakakaranas siya ng "SIDE EFFECTS" mula sa mga gamot niya na anti-psychotic. "Mind over matter lang yan!" payo ng panganay niyang kapatid na si Aia. "Hindi! Talagang tumataas ang mga mata ko mga ilang minuto pagkatapos kong inumin itong mga gamot ko. Hindi lang halata pero yun ang pakiramdam ko. Hindi yun mapigilan at hindi ko rin mapigilan na makakita ng mga hallucinations habang nangyayari 'yun! Puro mga nakakatakot na imahe ang nakikita ko. I'm afraid! Minsan iniisip ko kung hallucinations nga lang ba o totoo na itong mga nakikita ko..." giit ni Ahmya.All Rights Reserved