Bata pa lamang ay nakaranas na ng isang matinding trahedya si Astrid, na naging dahilan ng pagiging ulila niya. Kinupkop siya ng pamilya ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal at pagtanggap nito. Dahil sa isang pangyayari, makikilala niya ang isang misteryosong lalaki at aksidente siyang makakapasok sa kakaibang mundo. Sa pagkatuklas niya sa mahiwagang mundong ito, kaakibat niyon ang pagkatuklas niya sa mga lihim na ikinukubli nito. Paano kung ma-inlove siya sa isang nilalang na hindi naman niya kauri? Magawa pa kaya niyang makabalik sa kaniyang tunay na mundo? This is my first story btw so please bear with me😁