Everlasting Love? Totoo ba yun? O sadyang iniisip lang natin na everlasting yung pag mamahal natin sa isang tao? Ano ba talaga ibig sabihin nun? Everlasting? Hindi natatapos? ............ Napaupo ako sa may kama kung saan hinihiga yung mga patay. "Diyan ka nararapat." nakakatakot na sabi niya sakin. "8 years ago!! Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Ikaw!!!" sigaw niya habang tinutulak niya yung mag kabilaang balikat ko. "Ikaw ang may kasalanan..." "Ikaw..." "8 years ago ikaw ang gumawa nun.." "Ikaw ang may kasalanan ng lahat..." Mga bulong na naririnig ko. "Hindi ako ang may kasalanan." sabay tulo ng mga luha ko. "H-hindi A-akooo. Hindi ak-ko...." mahinang sabi ko habang yakap yakap yung sarili ko at nanginginig sa takot. "h-hindi akooo..." huling katagang nasabi ko nung biglang bumukas yung pinto. "mag tiwala ka sakin. Hawakan mo yung kamay ko... Hindi ikaw ang may kasalanan." rinig kong sabi niya. Hindi ko madilat yung mga mata ko. "Sakin ka magtiwala..." rinig ko namang sabi galing sa malayo. Sino sa inyo? Sino sa inyo ang dapat kong pagkatiwalaan?