Ang Yoshimura clan ay kilala bilang isa sa pinakamayaman at maimpluwensyang pamilya sa buong mundo. Subalit sa kabila ng kanilang katanyagan at kayamanan ay may kung anong bumabalot sa kanilang pamilya.
Paano kung isang araw ang lahat ng iyong tinatamasang kasaganahan, kapayapaan, at kaligayahan ay binabalot pala ng isang malagim na kasinungalingan?
Paano kung ang mismong malapit sa puso mo ang siyang uudyok para gawin ang isang bagay na kailanman hindi mo inaasahan.
Handa ka bang labanan ang tadhana o sumunod sa dinidikta nito?
--°--
Paalala:
Ang mga karakter at pangyayari sa kwentong ito ay hango lamang sa aking mga kathang isip. Kung sakali mang makarelate ka sa kwentong ito, edi all goods tayo hahaha. Pero hiling ko lamang sa lahat ng makakabasa ay huwag ninyong kopyahin, o bigyan ng bagong bersyon ang laman ng kwentong ito. Sana alam ninyo ang Republic Act 10175 .
Huwag ninyo sana personalin ang kwento at masiyahan lamang tayo, kung sakaling nabigyan kita ng inspirasyon na sumulat go lang basta huwag ka magnakaw, bad yun. Ingat ka palagi! 💕