Matagal nang gusto ni Jopay si Adrian. Hindi niya lang alam kung papaano ito lalandiin. Dahil una't huli, ayaw niyang maging kabit dahil hindi niya pinangarap iyon. Kahit bakla ay mayroon siyang paninindigan at respeto sa sarili. Kaya nang dumating ang araw na naghiwalay si Adrian at ang girlfriend nito, kahit pa nahihiya, ay gagawin niya ang lahat para mapasakaniya ang lalaki.