" Mrs. Willis, we're very sorry about what happened to your husband. Kahit kami po ay nabigla sa nangyari " Sabi ni Engr. Edward. Isa sa mga kasamahan at matalik na kaibigan nga aking asawa. Kasabay ng pagguho ng aking mundo ay ang pagkawalan ko ng pag-asa. Si Brent ang liwanag sa madilim kong buhay. Sya ang nagbigay ng pag-asa sakin para makabangon ulit. Pero wala narin akong dahilan para mabuhay pa. " wait for me love, I'll come after you" yun ang huling salitang aking binitawan bago ako nawalan ng malay. - - - -