Isang sikat na modelo si Alexa Romano. At binansagan siyang ang babaeng ‘Nasayo na ang lahat’. Lahat ng mga lalaki ay nahuhumaling sa kanya dahil mabait din ito. Si Aaron Roxas ang tanging lalaking pinakamamahal niya, kaya naman kahit sinong lalaking lumapit at magtangkang manligaw sa kanya ay di niya pinapansin. Pero ang hindi niya alam, ginagago na pala siya ng boyfriend niya nung napagpasyahan niyang lumipat sa school ng lalaki. Nasaksihan niya lahat ng kagaguhan nito sa kanya, at ang masakit pa dun, harap harapan niya itong niloloko. Makuha pa niya kayang patawarin ito? Lalo na kung alam niyang pinagsisisihan na ng lalaki ang kagaguhan nito sa kanya? Makuha pa niya kayang magtiwalang muli? O papalayain na niya ang kanyang sarili para sa sakit na nararamdaman niya?
11 parts