"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita at mangitian ni Lourd. But fate has its plan. Dahil ang akala niyang one-sided love niya para kay Lourd ay magbabago pala.Naglaan ng interes sa kanya si Lourd. Hanggang sa ligawan siya nito at mauwi sa pagkakaroon nila ng relasyon. Ngunit kung kalian malalim na ang pagmamahal ni Cassie para kay Lourd ay saka naman nagbalik ang kanyang kahapon na matagal na niyang ibinaon sa limot. At sa nakakagulantang na katotohanan ay hindi pala niya maaaring mahalin si Lourd!