Hindi naging mahigpit ang mga magulang ni Adi sa kanya, lalo na sa usaping pag-ibig. Hinahayaan lang syang gawin ang gusto niya, magboyfriend gaya ng iba. Dahil tiwala ang parents nyang hindi siya lalagpas sa limitasyon nya. Maliban sa isang lalaking hindi gusto ng pamilya niya para sa kaniya. Si Drake, ang unang lalaking naging nobyo nya. Ang unang lalaking nangako ng lahat-lahat sa kanya. Ang unang lalaking pinuno ng mabubulaklak na salita ang puso't-isipan niya. Ang unang lalaking pinakamamahal niya. Na kalaunan ay siya rin palang magiging dahilan para magkapira-piraso at maiwang luhaan ang pagkatao niya. Taon ang lumipas ngunit hindi parin nawawala ang sakit na idinulot nito kay Adi. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dumating ang isang lalaking magpapabago ng lahat. Magbubukas sa saradong puso't isipan niya na animo'y di pa nakakaranas ng sakit kailanman. Pero dahil din dito ay mabibigyan ng panibagong problema si Adi dahil ang taong naging dahilan ng sakit na naramdaman nya ay magbabalik upang agawin siya sa taong naging dahilan para muli siyang makaramdam ng saya.
16 parts