Story cover for Hello, Angelo by SunnieRosie
Hello, Angelo
  • WpView
    Bacaan 19
  • WpVote
    Undian 0
  • WpPart
    Bahagian 2
  • WpView
    Bacaan 19
  • WpVote
    Undian 0
  • WpPart
    Bahagian 2
Sedang Ditulis, Pertama kali diterbitkan Mei 06, 2020
Rubiana Faustino, o kilala bilang Robbie. Normal naman takbo ng buhay niya. Nag-aaral siya ng maigi sa kolehiyo, may mapagmahal na kaibigan, at masayang namumuhay sa isang buo na pamilya. 

Isang gabi, habang siya ay natutulog, nakarinig siya ng malakas na kalabog sa labas ng bahay nila. Dala ng matinding kuryosidad, lumabas siya at nadatnan ang isang lalaking pakamot-kamot sa ulo at umaaray. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Nagtataka kung sino ang lalaking nasa harapan niya.

Hindi naman nagtagal ay hinarap siya ng lalaki. Kahit bakas ang sakit sa mukha neto, nagawa nitong ngumiti sa kanya at nagpakilala.

"Hi, I'm Angelo! I'm your...guardian angel."
Hak Cipta Terpelihara
Daftar untuk menambahkan Hello, Angelo pada pustaka anda dan menerima kemas kini
atau
#197angelo
Garis Panduan Isi
You may also like
You may also like
Slide 1 of 5
500 Unspoken Words cover
I Like Singkit cover
Week in a Lifetime Chance cover
You Have Stolen My Heart cover
My D Boy cover

500 Unspoken Words

40 bahagian Cerita Lengkap

Kinagabihan, pagkatapos ng gig ay tinawagan ni Val si Clarence para makisuyo na sa apartment niya muna matulog ang kapatid dahil sa kalasingan nito. "Pasensya ka na talaga tol. Magigising kasi si Basha sa ingay nitong si Tricia." Pagpapaliwanag ni Val habang pinapasok si Patricia sa kwarto ni Clarence. "Ok lang. Buti na lang din at hindi pa ako umuwi." "Sigurado ka bang ok lang siya na dumito muna? Wala bang maiistorbo?" "Wala. Umuwi na kasi lahat ng boarders dito, ako na lang naiwan." "Sige tol. Salamat." At niyakap ni Val si Clarence bago pinagsabihan ang kapatid. "Umayos ka bunso. Nakakahiya kay Clarence." Pagkatapos ay nagpa alam na rin siya at umuwi. "Mahal ka bang talaga" Napapakanta pa ang lasing na Patricia habang ginagawang microphone ang deodorant ni Clarence. "Mahal ka bang talaga" "Patricia, tama na yan. Matulog ka na." Tinangka niyang agawin ang hawak hawak nito pero magalaw si Patricia kaya palagi siyang bigo. "Mahal ka ba niyang talaga" Pagpapatuloy nito. "Mahal ka bang talaga" Hinayaan na lang ito ni Clarence at naghahanda na siya ng higaan sa sahig ng biglang "John Clarence Manalo. Mahal kita." Pagkatapos ay natumba si Patricia sa kama at ng tingnan ni Clarence ay mahimbing na itong natutulog.