masaya na si zafarra evans williams sa kanyang pamilya, may isang anak sya na babae apat na taong gulang at may asawa na mapagmahal at masipag kaya naman maganda ang buhay na naibibigay nito kay zafarra at sa anak nila na si jillian. may namana rin ito sa mga magulang nya dahil nag iisang anak lang ang asawa nyang si julian williams. subalit nagka sakit ng malubha ang asawa nyang si julian kaya't hindi nakayanan nito at namatay. gumuho ang mga pangarap ni zafarra para sakanyang anak na maging buo ang pamilya nila, dahil ayaw nito na matulad sya sakanya na walang ina na nakasama at nag alaga sakanya simula pag silang. dahil sa namatay ang ina nito sa panganganak kay zafarra. pero magbabago ang lahat pag nakita nya ulit ang crush nya noong high school palang sya. dahil talagang naging stalker sya sa lalaking napaka gwapo pero suplado naman nung araw na nagaaral pa sya. kahit pa nag asawa si zafarra minsan ay naiisip pa din nya ang crush nyang ito pero hindi naman sya nagsisi na nagpakasal sya sa mahal nyang namayapang asawa. binata at may magandang trabaho si jan romero. pero wala parin syang gf o asawa na mag aalaga at magmamahal sakanya dahil hindi pa pumapasok sa isipan nya ang lumagay sa tahimik. gwapo at mukhang modelo naman sya pero ayaw talaga nya ang matali sa isang relasyon dahil nakakasakal daw iyon kaya mas gusto nya ang mag punta sa mga party at makipag fling lang sa mga babaeng nakikilala nya dahil sinisigurado nyang hanggang doon lang sila ng mga babaeng nakaka flirt nya. pero mag iiba din ang pananaw nya ng dahil sa halik ng estrangherang babae na hindi nya napapansin noong mga panahong high school palang sila.