18 parts Complete Hindi lang pangarap ang dahilan kung bakit lumipat si Tyrone Villa Luna sa Kwangya National University, gusto rin niyang takasan ang bigat ng apelyido niyang Villa Luna at ang negosyo ng kanyang pamilya. Tahimik, may pagka-suplado, at mas pinipili ang lapis kaysa sa pakikipagkaibigan, ang tanging gusto niya lang ay makapagsimula muli... mag-isa.
Pero hindi gano'n kadaling umiwas kapag isang misteryosong roommate ang gumulo sa tahimik mong mundo.
Sa gitna ng bagong eskwela, mga bagong kaibigan, at mga di inaasahang tagpo, unti-unting nahuhulog si Tyrone sa isang koneksyong hindi niya inakalang mararanasan-isang koneksyong hindi niya alam kung dapat niyang labanan, o yakapin.
Paano kung ang taong gusto mong iwasan... siya rin pala ang taong hindi mo na kayang palayain?