Ang nobelang young adult na ito ay susubukang talakayin ang buhay ni Sampaguita Dela Cruz, isang labing-anim na taong gulang na dalaga. Payak lamang ang pamumuhay ni Sammy sa baryo ng Sangháya, kasalukuyan siyang namumuhay sa kalinga ng kaniyang Inay Lilia. Nakuha ni Sammy ang kaniyang pangalan mula sa pagkawili ng kaniyang Inay Lilia sa saá mula sa nasabing bulaklak. Sa kaniyang Itay Kiko naman nakuha ni Sammy ang pakahilig sa tustadong bawang at pagsasagot ng krosword. Magmula nang maghiwalay ang mag-asawang Lilia at Kiko, namuo ang galit ng dalaga sa kaniyang sariling ama: galit na sapat upang magkaroon siya ng pagkamuhi rito. Mula sa pagtitinda ng sampaguita nakukuha ni Lilia ang pang-araw-araw nilang pangangailangang mag-ina. Naging mahirap man ang kanilang pamumuhay, nagawang itawid ni Lilia ang kaniyang anak upang makapag-aral sa Mababang Paaralan ng Sangháya. Ngayong papasok na si Sammy sa eskuwelahan, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya. Masaya siya dahil makakasama niya muli ang mga kaibigan niyang sina Tope at Suman; masisilayan din niya ang hinahangaang dalaga na si Rosal. Sa kabila nito, hindi maiwasang balutin si Sammy ng pangamba: dahil habang tumatagal ang kaniyang pamamalagi sa paaralan, mas lumalayo siya sa sibol ng kaniyang pagkabata.
2 parts