Sa kabila ng abalang buhay bilang isang doktor, natutunan ni Dr. Zoren Harvard na maglaan ng oras para sa bawat pasyente. Ngunit hindi niya inasahang ang isang masayahin ngunit misteryosong babae Jazlene Kath Mendoza ang tuluyang gugulo sa maayos niyang mundo. Sa likod ng mga ngiti nito ay may tinatagong lihim isang sugat na hindi kayang pagalingin ng kahit anong medisina. Habang lumalalim ang koneksyon nila, isa lang ang tanong: Paano kung ang tanging lunas sa puso ni Jazlene ay ang doktor na hindi niya dapat mahalin?. Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa-na nagpapatunay na minsan, ang tunay na kagalingan ay hindi matatagpuan sa mga reseta, kundi sa pusong handang magmahal.
More details