Napilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon hadlang para umibig siya sa binata. Nagtataka siya kung bakit tila ba pinaparamdam ni Manolo na ayaw nito sa kanya, tila ba umiiwas ito na magkaroon sila na sarilinang oras, at sa paglipas ng mga araw unti-unting nagkaroon ng tiyansa si Xandra na mapalapit dito. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang umabot sila sa lihim na relasyon. Tinuloy nila ang kanilang ugnayan knowing na langit at lupa ang kanilang pagitan. Ang kanilang pagmamahalan ay susubukin ng panahon, isang trahedya ang malalantad na magdudulot sa kanila ng paghihiwalay. Sa kanyang pagbabalik ay tila ba nagbago na ang lahat sa lalaking inibig. Mababalik pa kaya at matutuloy ang naudlot na pagmamahalan at masasabi pa ba kayang "Pwede pa ba?"