Love has no Boundaries... Isa ito sa mga madalas ipaglaban, at madalas ding pagtalanunan ng iilan sa mga tao. Maraming naniniwala pero marami din namang tutol dito. Gawa ng may iba't iba tayong Kinikilingan, Paniniwala at kasanayan. Pero hindi din naman maitatanggi na Love is a universal Language, ito yung kaya mong ibigay at makuwa ng libre... ito yung kahit pa hindi ka mayaman, mabibigay mo ito sa iba ng walang iniisip ni sagabal o hahadlang dito. Si Kim Gabriel Gutierrez, ang Normal Highschool boy na gwapings din ang isa sa sang-ayon dito. Lumaki s'yang naeexpress ang pagmamahal n'ya ng walang iniisip sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao, hanggang sa tumanda na s'ya. naintindihan n'yang hindi lahat, ng bagay. magagawa mo ng hindi ka sinisita ng iba. Natakot s'yang sabihin ang nararamdaman n'ya sa ediyang baka hindi s'ya tanggapin kahit pa ng mismong pamilya n'ya. hanggang sa makilala n'ya si Nathaniel Alexander Reyes, Ang campus crush na gugustuhing... maging kaibigan ng iba. ang boyfriend material na pinapantasya ng halos lahat ng babae sa School nila. ang nagturo kay Kim kung ano nga ba ang totoong kahalagahan ng pagiging siya. Naging mas matapang si kim na ipakita ang nararamdaman n'ya, ngunit pano naman kung si Alex na ang matakot at lumayo sa piling n'ya. may gagawin kaya s'ya? maipaglalaban n'ya ba ang pagmamahal na tanging nagbibigay dahilan sakan'ya para lumaban pa.