Takot na magkamali si Clara sa pag-ibig. Hindi kasi niya alam kung ang taong makakatagpo niya ay sigurado na sa kanya. Takot siyang baka habang nasasanay na sya ay bigla na lang itong mawalan ng pagmamahal sa kanya at magbago ang kagustuhan. Ayaw niyang maiwan na lamang at hindi alam kung saan na ang patutunguhan. Ngunit, kaya niya nga bang iwasan ang masaktan o hahayaan na lang niya ang sarili na patuloy na magmahal at suungin ang panganib?