#YChronicles #MamoriTaiMM Mayonaka Messages 2 of Y Chronicles, a series collaboration by MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya *** After finishing her studies, Reiko barely goes out to avoid human interaction. Kuntento na siya sa kanyang own little bubble. Scratch that. Araw-araw lang talaga siyang sinusumpong ng...katamaran. Ni hindi sinisikatan ng araw. Kuripot. Simple lang. YOLO lang. Chill lang. Sunod lang sa trip ng mga best friends niya. Parang dahong natatangay ng hangin at okay lang mapadpad kung saan man. Basta may suhol na pagkain. But when her father, her anchor, dies... ginusto niyang magpakalayo-layo. Ayaw abalahin ang mga matalik na kaibigan, pikit mata siyang sumali sa Ikigai, isang work-from-anywhere community. There, she meets a happy-go-lucky streamer-slash-gamer-kind-of-a-guy named Jaco, and she wonders why is he there... Hindi naman yata ito nagtatrabaho dahil laro lang siya nang laro tapos ang ingay ingay pa, akala mo siya may-ari ng lugar! O baka siya nga? *** Cover Illustration by Persal_Verse