Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil alam mong hindi iyon totoo at nakikiagaw ka lamang? Mahirap. Mahirap ang pakiramdam na iyan. Iyan ang pinakahuling bagay na gusto kong maranasan sa mundong ito. Ang makihati at manghiram. Dahil buong buhay ko ay iyon na ang ginagawa ko. Buong buhay ko, bilang lang ang mga bagay na totoong akin. At kung ano pa ang gustong gusto ko, iyon pa ang hindi ko lubusang makuha. Dahil... nakikihati lamang ako at nanghihiram sa iba.