Ako si Prinsipe Kenzo Crimaosa VII. Ang pinaka gwapo at magaling na nilalang sa buong mundo. Syempre joke lang. Pero sa aming kaharian, ang kaharian ng Ross ako ang laging habulin. Hanggang sa dumating ang panahon na nagkasakit ang kapatid kong si Camilla... "Prinsipe Kenzo, kailangan mong magpanggap na ikaw ang iyong kapatid. Hindi pwedeng tatanggi ka dahil nangako ako sa hari ng Kremdors. Kung hindi, gagawa sila ng gulo. Kaya gusto kong pakasalan ng Prinsesa Camilla ang prinsipe ng Kremdors ay dahil siya ang magiging spy ng kabilang kaharian" tugon ni Haring Eduardo, ang aking ama. WHAT THE F****!