Dark Profile "Innocent me"
Mayaman. Matalino. Perpekto.
Sa mata ng lipunan, si Cynthia Dela Fuente Ibarra ang babaeng nasa kaniya na ang lahat-kaisa-isang tagapagmana ng isang kilalang Business Tycoon, tinitingala sa mundo ng sining, at minamahal ng lahat dahil sa kaniyang bait at ganda.
Ngunit sa likod ng kaniyang perpektong buhay ay may nakatagong lihim na dumanak sa dugo
Upang tulungan ang kaniyang ina na makamit ang hustisyang matagal nang ipinagkakait sa kanila, gagamitin ni Cynthia ang kaniyang talino at isang bagong pagkakakilanlan at ang tanging tanong:
Sino ka? Pero ang dapat na tanong "SINO AKO?" I know my enemy than they know me
Behind the high-profile life, I realized I was just a sick soul in the dark -Cynthia Dela Fuente Ibarra
Isang peligrosong laro ng paghihiganti at imbestigasyon. Isa-isa ilalantad ang mga lihim ng mga taong sumira sa pamilya.
Ngunit sa kaniyang paghuhukay sa katotohanan, matutuklasan niya ang isang lihim na mas madilim pa sa kaniyang paghihiganti... isang katotohanang baka hindi niya kayang panindigan.
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang hustisya kung ang mismong katotohanan ang wawasak sa 'yo?
Mga bakas na magdadala sa kaniya sa isang nakakapangilabot na kasinungalingan.
Sino ang totoong kaaway? At sino ang totoong biktima?