Isang babaeng mahilig sa Martial arts at isang lalaking mahilig sa libro. Si Cynthia Arcadia ang babaeng mahilig sa Martial Arts. Dahil sa kanyang natatanging galing sa larangang Sanda, may walong beses na niyang naipanalo ang laban. Ngunit itinigil na niya ang pagkahilig sa larangang iyon dahil napagpasyahan niyang mas bibigyan ng atensyon ang pag-aaral. No'ng una ay wala siyang maisip na kukuning kurso pagdating sa kolehiyo, ngunit ng malaman niyang magdodoctor ang lalaking gusto niya ay napagpasyahan niyang maging isang doctor din. Takot siya sa dugo dahil naaalala niya ang kanyang ina na namatay sa aksidente, kung kaya't muntikan na siyang sumuko sa pagdodoctor. Tinulungan siya ni Shaun Valdez, ang lalaking mahal niya at lihim din na nagmamahal sa kanya. Tinulungan siyang sanayin ang kanyang sarili na malampasan ang pinakakatakutan niya, hanggang isang araw ay may biglang naksidente sa harap nila. Tanging sila lamang ang may kakayahang tumulong para malapatan ng first aid kit. Sa una ay ayaw ni Cynthia dahil takot pa rin siya sa dugo pero napilit siya ng sitwasyon. Nailigtas nila ang lalaking naaksidente at 'yon ang nag-udyok sa kanya na huwag sumuko sa pagdodoktor. Dahil hindi lahat ng naaksidente, namamatay katulad ng mommy niya. Nalaman din nilang may gusto sila sa isa't isa dahil sa diary ni Cynthia na ninakaw ng babaeng may lihim na galit sa kanya at ipinangdikit sa bulletin board ng paaralan.
21 parts