"Talaga bang mami-miss mo ako, Honey?" bulalas ni Derreck na bakas sa mga mata ang kasiyahan. "Oo naman, mami-miss kita siyempre nasanay na'kong nagkikita tayo lagi," pag-amin niya rito sa totoong nararamdaman. Pinisil nito ang kanyang palad bago muli itong nagsalita. "Masaya akong malaman na nasasanay ka na sa presensya ko but don't worry enough na sa'kin sa ngayon na may improvement na sa relasyon natin." Napayuko na lang ang kanyang ulo at hindi na lang kumibo. Masuyong itinaas nito ang kanyang mukha bago sinalubong ang kanyang mga mata. "Mahal na mahal kita, honey," madamdaming usal nito. "Hindi ako nagmamadaling tugunin mo rin ang pag-ibig ko, sapat na sa'kin ang makasama ka lagi at makitang binibigyan mo ako ng pagkakataong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal. Alam ko darating din ang araw na iibigin mo rin ako hindi man kasinglalim ng pag-ibig ko sa'yo subalit sapat na'yun para patuloy kong panghawakan ang pangako mo na hinding-hindi mo ako iiwan." Mahal na niya si Derreck subalit muling nagbabalik ang kanyang unang pag-ibig kaya nahihirapan siyang magdesisyon kung sino nga ba sa dalawa. Mas pipiliin ba niyang bumalik sa dating nang-iwan sa kanya o ipaglaban ang lalaking kahit kailan ay hindi siya nagawang saktan?All Rights Reserved