Na assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company.
Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago ng negosyo, recruitment ng mga taong gustong magtrabaho sa ibang bansa at iba pa. Ngunit ang ipinagtataka nang pamilya ng narecruit nila ay ang laki ng pera ang pinapadala ng mga anak nito, umabot pa nga ng isang milyong peso kaya nga lang umabot na ng sampung taon pero hindi parin nakakauwi ang mga ito. At ito ang ipinaimbestigahan ng team nina Steven.
At doon nila nalaman na isang maskara lang pala ang AL Online Company, may iba rin palang inaalok ito. At doon niya nakatagpo ang kamukhang-kamuka ng kanyang namayapang asawa, si Audrey Santiago.
Mula sa mata, sa tindig at mukha ni Audrey ay kamukhang-kamukha ito sa asawa ni Steven. At dahil narin sa pangulila ni Steven sa namayapang asawa nirenta niya ang babae.
Sa kabilang dako, nagdadasal si Audrey na sana may lalaking makakapagligtas sa kanya sa impyernong lugar na iyon, si Steven na kaya ang makakapagligtas sa kanya? ano ang kahahantungan ng kanilang storya kung malalaman ng isa ang katotohanan?
Story started on: June 17, 2020
Story finished on: August 4, 2020
Warning: RATED SPG
Naglalaman ng maseselang kaganapan
Nang dahil sa hirap, naisipan ni
Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan maraming foreigner ang nandoon. Sa kaniyang paghahanap, hindi inaasahang magtatagpo ang landas nila ng bilyonaryong si David Montero. Nagtungo roon si David upang makalimutan ang kaniyang ex-girlfriend na ipinagpalit siya sa kaniyang kaibigan. Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na alam ni David ang kaniyang ginagawa hanggang sa mapunta siya sa tinutuluyan ni Akira. Ngunit hindi nila inaasahang ang gabing 'yon ay magbubunga.
At dahil ayaw ni David na masira ang kaniyang pangalan, itinago niya ang tungkol dito. Ngunit paano na lamang kung unti-unti na pa lang nahuhulog ang loob ni David kay Akira? Mapipigilan niya kayang mahalin si Akira? Mas pipiliin niya kaya ang kaniyang mag-ina kaysa sa kaniyang pangalan at yaman?